Anti-venom supply pinatitiyak sa Naga City ngayong tag-init

NAGA CITY- Pinatitiyak sa Naga City Health Office at General Hospital na mayroong supply ng anti vemon ngayong tag-init.

Ayon kay City Events Protocol and Public Information Department Head Allen Reondanga, ito ang nais ni Mayor Son Legacion dahil may mga kaso na sa ibang lugar sa bansa na nakakagat ng ahas. Nakikipag-ugnayan na ang CHO sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM). Noong mga nagdaang taon may mga dinala sa Naga na natuklaw ng makamandag na ahas pero naging pahirapan ang paghanap ng anti-venom.

Pinag-iingat ng Naga City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang publiko sa pagsisilabasan ng mga ahas ngayong tag-init. Noong Marso may namataan at nadakip nang dalawang ahas sa paaralan sa Barangay Tinago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *