Hinamon ni presidential spokesperson Harry Roque si Vice President Leni Robredo ng debate, kung ibinigay ba ni Pangulong Rodrigo Duterte o hindi ang anumang teritoryo ng Pilipinas sa China sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Tulad kay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, sinabi ni Roque na isa rin si Robredo sa mga nag-gigiit na nawala ang mga teritoryo ng bansa sa ilalim ng Duterte administration.
Mababatid na umatras si Duterte mula sa hamong debate kay Carpio, sa halip ay itinalaga si Roque na magrepresenta para sa kanya.
Sa gitna nito, hindi naman ginagat ni Carpio ang debate kay Roque dahil umano sa inilarawan nitong “pointless” issues. // MHEL PACIA