Ibinalik ng COVID-19 task force ang quarantine status sa mga probinsya ng Cagayan, Apayao at Benguet sa modified enhanced community quarantine (MECQ), hanggang sa May 23, 2021, sa gitan ng pagtaas sa mga bagong infections.
Mababatid na ang naturang mga probinsya ay nasa ilalim ng mas maluwag na general community quarantine (GCQ) para ngayong buwan.
Noong nakaraang linggo nang itaas rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang quarantine status sa Zamboanga City mula sa GCQ papuntang MECQ hanggang sa May 15.
Samantala, ang Tacloban City naman ay ibinaba ang GCQ sa modified GCQ, hanggang sa katapusan ng buwan.