Itinanggi ni House Speaker Martin Romualdez ang mga ulat tungkol sa posibleng paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara.
Una kasing sinabi ng Bagong Alyansang Makabayan na dina-draft na nila ang reklamo para mapatalsik si VP Sara.
Ayon kay Romualdez, wala silang natatanggap na impormasyon ukol dito.
Gayunpaman, nakatutok sila sa mga kaganapan sa Kamara at handa silang suriin ang anumang aksyon na ilalatag sa kanila.