Pormal nang umupo bilang Acting director ng Criminal Investigation and Detection Group PBGEN NICOLAS TORRE III.
Isang simpleng turnover ceremony ang ginanap kahapon sa CIDG Headquarters kung saan pinalitan ni BGen. Torre si PMGEN LEO FRANCISCO.
Pinangunahan ito ni LTGEN JON ARNALDO, Chief of the Directorial Staff ng PNP.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Torre sa tiwalang ibinigay sa kanyang ng liderato ng PNP.
Kinilala rin niya ang mga nagawa ni MGen. Franciso at binigyan-diin ang kanyang “familiarity” sa operasyon ng CIDG lalo’t dati na siyang nagsilbi bilang Deputy Director for Operations
Kumpiyansa naman si LtGen. Arnaldo sa pamumuno ni TORRE, na may malawak na karanasan sa mga kumplikadong imbestigasyon at dedikasyon sa serbisyo publiko.