Romualdez: Saudi business leaders, nagpakita umano ng interes sa Maharlika Investment Fund

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na positibo ang magiging tugon ng Saudi Arabian business leaders sa imbitasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na ikonsidera ang pamumuhunan sa Maharlika Investment Fund.

Ayon kay Romualdez, maraming negosyante sa Saudi ang nagkainteres sa MIF sa kasagsagan ng roundtable business meeting kasama si Marcos sa isang hotel sa Riyadh.

Isa aniya itong kapana-panabik na oportunidad na nakahanay sa adhikain na patatagin ang international partnerships at magkaroon ng iba’t ibang sources of investment na pakikinabangan ng publiko.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Kabilang sa Saudi firms na dumalo sa pulong ay ang Public Investment Fund, Hassana Investment Company, Saudi Arabian Investment Company at Saudi Fund for Development.

Kinumpirma ni Romualdez na kasama sa nagpahayag ng interes sa MIF ang Executive General Manager ng PIF na si Mulhan Albakree.

Sinasabing ang PIF ang ikaanim sa pinakamalaking sovereign wealth fund sa mundo na may assets na nagkakahalaga ng 607.42 billion US Dollars at nagmamay-ari ng pitumpu’t isang kumpanya mula sa sampung magkakaibang sektor.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Interesado rin umano ang Saudi investors sa flagship infrastructure projects sa Mindanao lalo na ang mga mapakikinabangan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ang Mindanao Railway Project.

Dagdag pa nito, malaki ang potensyal ng Pilipinas bilang haven para sa foreign investments dahil sa masiglang ekonomiya, skilled workforce at strategic geographical location na nag-aalok ng access sa lumalagong markets sa Asia-Pacific region.