Romblon PDRRMO, nanindigan na overloading ang MB King Sto. Niño 7

Nanindigan ang Romblon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO) na ‘overloading’ ang dahilan ng pagtaob ng MB King Sto. Niño 7.

Ayon kay Romblon PDRRMO head Roseller Muros, nasa 116 ang pasahero ng motor bangka, ngunit ang maximum capacity nito ay nasa 90 na tao lamang.

Samantala, sinabi ni Boat captain Jose Moreno Sr. na lumubog ang pampasaherong bangka dahil tumama ito sa solidong kahoy sa gilid ng pantalan.

Sa huli, sinuspende ng Maritime Industry Authority (MARINA) Region IV ang Passenger Ship Safety Certificate matapos mangyari ang insidente.