Romania, nairehistro ang pinaka malaking t-shirt sa buong mundo sa Guinness Book of World Records

Isang t-shirt kamakailan sa Romania ang nakatanggap at nakamit ang world record sa paggawa ng pinaka malaking t-shirt sa mundo na umano’y kasing laki ng isang sports stadium.

Ang naturang t-shirt ay hindi lamang malaki kun’di isang dambuhalang damit na may habang aabot umano sa 357.48 ft. at may lapad na 241.08 ft. na pinagtulungan ng mangiba’t ibang organisasyon at para maipagmalaki sa mga nasasakupan ang paraan ng pagrerecycle.

Nagsimula umano ito sa 500 piraso lamang ng recycled plastic bottles at bago nga ito nabuo kinailangan ng aabot sa 120 kataong volunteers para maisakatuparan ang paglatag nito sa buong stadium.

Nang matagumpay nang naianunsyo ito ng Guinness World Records, sinikap ng mga tagapanasiwa na mahati-hati ito upang makagawa ng nasa labing dalawang libo na normal na sukat ng isang t-shirt para sa mga kapos-palad.|WENCY LISAY