DEPED Bicol, hinihikayat ang LGUs na magkaroon ng sports academy upang makatulong sa pag-improve ng mga atleta sa rehiyon

LEGAZPI CITY – Hinihikayat ngayon ng Department of Education (DEPED) Bicol ang mga lalawigan at Local Government Units (LGU) na magkaroon ng sariling sports academy upang matulungan ang mga atleta sa pag-improve ng kanilang mga laro.

Ayon kay DEPED Bicol Regional Director Gilbert Sadsad, hindi makakapagpatayo ang regional office ng sports academy dahil walang kapartner na LGU, walang pondo, at walang Regional Governor na maaaring hingian ng pondo para sa pag-construct.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Dagdag pa nito, ang pagkakaroon ng academy sa bawat lalawigan o LGU ay may mahabang proseso na kinakailangan pang mapaaprobahan sa kongreso.

Nilinaw din nito, na kahit walang RA maaari naman umano magpatayo ng sports academy ang mga division office ng deped.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sinabi pa ni Sadsad, ang lalawigan ng Camarines Sur at Masbate pa lamang ang mayroong sports academy sa Bicol.

Samantala, ang Probinsya ng Sorsogon at Lungsod ng Legazpi ay inaasahan din umano na sila ay magkaroon na ng sports academy.