VIRAL sa social media ang isang video na ina-upload ni Cristopher Carpilla kung saan makikita ang kuha ng broadway star na si Lea Salonga na tumangi magpapicture sa isang grupo ng fans na pilit pumapasok sa kaniyang dressing room.
Makikita sa video na pinost ni Cristopher na humihiling ng photo-op ang mga fans kay Lea ngunit sa halip na pagbigyan ito malumanay na pinagsabihan ito ng Broadway Star.
Pinaliwanag niya sa mga ito kung bakit hindi niya puwede pagbigyan ang mga fans, ani Lea, hindi niya ang mga ito kilala at sana’y ‘wag daw basta basta pumapasok sa kaniyang dressing room lalo’t na wala naman sa guest list ang mga pangalan nito.
Mabilis naman kumalat ang nasabing video at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizen.
Samantala, nagpost naman si Lea ng paalala sa kaniyang mga fans, anya “ Just a reminder. I have boundaries . Do not cross them.”###JONADEL GALLEGO,Intern