DepEd – naglabas ng alternate uniform para sa mga teachers

Papayagan ng Department of Education (DepEd) ang mga teaching at non-teaching personnel na magsuot ng mga alternatative uniforms.

Sa isang pahayag – sinabi ng kagawaran na pahihintulutan nila ito dahil sa matinding init na nararanasan sa ngayon.

Kabilang sa mga maaaring suotin ng mga guro ay ang mga collared DepEd polo shirts.

Ito ay ‘yung mga ginamit na sa mga nagdaang DepEd activities gaya ng mga Brigada Eskwela, Palarong Pambansa, sa mga Regional/Division Schools Press Conference, at iba pa.

Sa ilaim ng pahayag – dapat daw ay ipares ito sa isang matte black pants basta ba’t sumusunod pa rin ito sa panuntunan ng Civil Service Commission.

Ibig-sabihin, bawal ang mga leggings, tights, at jogging pants.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *