Rodriguez, kinumpirma ang ‘complete exit’ sa Marcos admin

Kinumpirma ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na tuluyan na niyang nilisan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang facebook post, inihayag ni Atty. Rodriguez na ginawa niya ang desisyon na ito matapos niyang makausap ang Pangulo hinggil sa kagustuhan niyang maglaan ng mahabang panahon kasama ang kanyang pamilya.

Ayon kay Rodriguez, ang kanyang patuloy na pananahimik kaugnay sa mga usapin at isyu na may kinalaman sa kanyang dating posisyon ay nag-ugat sa ‘privileged communication’ o protektadong komunikasyon sa pagitan niya at ng Pangulo.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Kaugnay nito, iginiit ni Rodriguez na malinis ang kanyang kunsyensya sa gitna ng kabi-kabila aniyang walang basehan at malisyosong pang-aalispusta at paninira sa kanya.

Nanawagan naman ang dating executive secretary sa sambayanang Pilipino na suportahan ang administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Pinasalamatan din niya ang publiko, at aniya, isang karangalan ang paglingkuran ang bansa.

Nangako siyang patuloy na maglilingkod sa bayan, bilang isang pribadong mamamayan.
#

RELATED STORIES:

Angeles, Calida, Rodriguez – um-exit na sa Gabinete

Marcos, mayroon nang kinokonsiderang kapalit ni Rodriguez