Personal na nagtungo si Senador Robinhood Padilla sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA para magpa-drug test.
Ito ay sa gitna ng panawagan ni House Committee on Dangerous Drugs chairperson Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na magpa-drug test na muna ang mga talents at celebrities bago ito mabigyan ng proyekto.

Ayon kay Padilla, ang ginawa niyang pagsasaiallim sa testing ay bilang pagpapakita niya ng suporta sa kampanya laban sa iligal na droga.
Maihahambing umano ang ipinagbabawal na gamot sa terorismo na isang banta sa publiko.

Sa kabila nito, muling nanindigan ang Senador an dapat ay boluntaryo pa rin ang pagpapa-drug test imbis na mandatory.
Ipinunto ng mambabatas na maaaring labag sa karapatang pantao kung sapilitan itong ipagagawa sa mga artista.
Sa huli, nag-negatibo naman ang resulta ng drug test ni Padilla.

RELATED STORIES:
Mambabatas, hinikayat ang mga producers na ipa-drug test ang mga artista
Aktor na si Dominic Roco, 4 iba pa timbog sa buy bust sa Quezon City
