Denepensahan ng executive secretary si President at Agriculture chief Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdinig ng Senado kaugnay sa kontrobersiyal na Sugar Order no. 4.
Ayon kay Executive Secretary Vic Rodriguez, walang binabanggit na amount pagdating sa quantity si Marcos Jr. para sa metric tons na dapat i-angkat.
Ang pahayag ni Rodriquez, ay matapos sabihin ni dating Sugar Regulatory Administration (SRA) chief Hermenegildo Serafica, na nabanggit ng punong ehekutibo ang volume na 600,000 MT na dapat sana’y aangkatin.
Pero payo umano ni Serafica sa pangulo, na ito ay masyadong malaki, lalo’t magsisimula na ang milling process.
Kaugnay nito, kinumpirma rin ni dating SRA board member Aurelio Gerardo Valderrama Jr., na present sa meeting, ang naging pahayag na ito ni Marcos.
