Investment pledges sa state visit ni Pangulong Marcos sa Indonesia, pumalo sa mahigit $7-B

Ibinahagi ng Office of the Press Secretary na nakakuha ang Pilipinas ng investment pledges na pumapalo sa kabuoang mahigit $7 billion, sa kauna-unahang state visit ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Indonesia.

Ito ay kinabibilangan ng $7 billion na investments sa infrastructure para sa unsolicited private-public partnerships, kasama ang C-5 four-level elevated expressway, maging ang $822 million na investments sa textiles, garments, renewable energy, satellite gateway, wire global technology, at agricultural food.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Kaugnay nito, may kabuoang $662-million trade value naman oara sa suplay ng coal at fertilizer.

Read More:  British lawyer Peter Haynes confirmed as Duterte’s new counsel

Ayon sa OPS, na ang business deals sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia ay makakapagbigay ng nasa 7,000 new employment opportunities.

Ang mga kasunduan naman sa economy, culture, at defense, maging ang plan of action para sa bilateral relations sa susunod na limang taon, ay nilagdaan din ng dalawang bansa.