Rodeo Masbateño Festival, isa sa pinakamalaking aktibidad sa turismo sa rehiyon – DOT-Bicol

Sinabi ni Dept of Tourism Regional Director Herbie Aguas na ang Rodeo Masbateño Festival ay isa sa tatlong pinakamalaking aktibidad sa turismo sa rehiyong Bicol na dinarayo ng mga bisita at turista.

Ang dalawa pa umano, ay ang Penafrancia Festival sa Naga City, Camarines Sur at Whale Shark Festival ng Donsol, Sorsogon.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ayon naman sa Masbate provincial tourism officer na si Gerardo Presado, napakalaking tulong umano sa buong lalawigan ang muling pagbabalik ng nasabing taunang festival para sa pagbangon ng industriya ng turismo at ekonomiya.

Dinarayo umano ng mga lokal at dayuhang turista ang mga aktibidad ng festival na juego de toro, toro backriding at ‘carambola’ o ang pagpapakawala ng toro na huhulihin ng tatlo hanggang apat na tao.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang Rodeo Masbateño Festival ay pormal na binuksan noong Martes, Abril 11 nitong taon. Pinangunahan ito ng gobernador ng Masbate na si Antonio Kho, Undersecretary ng Tourism na si Cocoy Jumapao at Tourism regional director na si Herbie Aguas kasama ang iba pang kilalang personalidad ng rehiyon.