Kritikal ang lagay ng isang 14 anyos na babae matapos na mabangga ng pampasaherong van sa Barangay Magara, Roxas, Palawan bandang alas 2:00 ng hapon kanina, December 29, 2022.
Base sa Roxas PNP ang drayber ng van ay kinilalang si Jaymark Magluyan Ecayan, 31 anyos na residente sa Barangay New Ibajaj, El Nido, Palawan.
Sa imbestigasyon, mula sa Puerto Princesa City ang van at patungo sana sa bayan ng El Nido ng biglang tumawid ang dalagita na naging dahilan para mabangga ito ng paparating na sasakyan.
Nagtamo ng “head injury” ang dalagita na agad din isinugod sa Roxas Medicare Hospital at kalaunay inilipat sa lungsod ng Puerto Princesa para sa karagdagang medikasyon.