Personal na ininspeksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga vials mula sa mahigit 1.12-million AstraZeneca COVID-19 vaccine doses na donasyon ng Japan na dumating sa Villamor Air Base kagabi.
Bukod sa Punong Ehekutibo ay nasa ceremonial turnover rin ang mga opisyal ng Japanese embassy, National Task Force (NTF) Against COVID-19, at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Sa isa naman talumpati ay inihayag ni Health Secretary Francisco Duque na labis na nagpapasalamat ang Pilipinas sa lahat ng tulong na ibinibigay ng Japan.
Kabilang anya sa mga tulong na natanggap ng Pilipinas mula sa Japan sa gitna ng pandemya ay ang donasyon nito na Personal Protective Equipment (PPEs) at gamot, ang pamamahagi nito ng service vehicles, mga grants na sumusporta sa vaccination program ng ating bansa, at cold chain management system.
Iginiit naman ng kalihim na ang mga bakuna na ipinamahagi ng Japan kagabi ay “welcome addition” sa efforts ng bansa laban sa banta ng COVID-19.
Inihayag ni Duque na sa pamamagitan nito ay magagawa ng Pilipinas na mabakunahan ang mas marami pang vulnerable sectors ng populasyon.