Idinaan sa patula ni Senator Robin Padilla ang labis na pasasalamat kay Kris Aquino sa tulong nito sa kanya noong nakaraang eleksyon.
Ito ay bilang tugon na din kung paano siyang nag-number 1 noong nakaraang senatorial election.

Ayon kay Robin, naging mas malalim ang pagkakaibigan nila ni Kris kasama ng kanyang asawang si Mariel nang nalaman nila na mayroon itong sakit.
Sinabi ni Robin na pinagluluto ni Mariel ng pagkain si Kris kahit pa alam nilang hirap ito sa solid food na sobrang appreciated ng tv-host.
Inihayag din ni Robin na naging mas malalim at namulat sila ni Kris sa isyu ng pulitika gayundin sa realidad ng buhay.
Kaugnay nito, hindi daw nagdalawang isip si Kris na tulungan si Robin nang malaman niya na mababa ang ranking niya sa mga survey sa pamamagitan ng pagtawag sa mga kaibigan nila sa pulitika para sya ay tulungan.
Giit ni Robin, ang naging alas niya sa pagkapanalo sa eleksyon ay ang tulong nina Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Bong Go, Inday Sara Duterte maliban pa sa mine vote ni Mariel, muslim vote, Marcos loyalist vote, Katoliko vote, Kingdom of Jesus Christ vote, El Shaddai vote, Iglesia ni Cristo vote at ang Kris Aquino vote.