Nagtala si Robert Bolick ng triple-double sa laro kung saan ay nagdomina ang NorthPort Batang Pier laban sa Alaska Aces sa score na 122-94.
Naitala ni Bolick ang 22 points, 13 rebounds at 13 assists, habang nagdagdag naman ang rookie forward na si Jamie Malonzo ng 21 points.
Dahilan ito para maselyohan ng Batang Pier ang fifth seed sa 2021 PBA Philippine Cup.

Sa huling laro ng NorthPort sa elimination round, ay nakalayo ito sa second period hanggang sa katapusan ng laro na dahilan para umangat ang win-loss record nito sa 6-5.
Makakatapat naman ng Batang Pier ang fourth-seeded na San Miguel Beer sa best-of-three series para sa quarterfinals.
Samantala, dahil sa resulta ay nanatiling buhay ang pag-asa ng defending champion na Barangay Ginebra, dahil makakalaban nila ang Phoenix Super LPG kung saan ay pag-aagawan nila ang ika-walo at huling quarterfinal spot.