US inaprubahan ang Pfizer COVID booster para sa mga matatanda at high-risk

Inotorisa ng Estados Unidos ang paggamit ng Pfizer COVID-19 booster shots sa mga indibidwal na edad 65-pataas at pati na rin sa iba na itinuturing na high risk dahil sa taglay nilang sakit at high-exposure jobs.

Tinatayang nasa milyon-milyong mga Amerikano ang magiging eligible para sa third shot, anim na buwan matapos nilang matanggap ang kanilang second dose.

Inasahan na rin ang nasabing desisyon kasunod ng pag-convene ng regulatory body sa independent expert panel kung saan ay bumoto ang mga ito ng pabor sa booster shots.

Gayunman, tinanggihan ng panel ang inisyal na plano ng White House na bigyan ng full approval ang Pfizer boosters sa lahat na edad 16-pataas.

Ipinunto ng grupo ng mga eksperto na iba ang benefit-risk balance sa mga mas batang populasyon, lalo na sa mga mas batang mga kalalakihan na may malaking tyansa na magkaroon ng myocarditis.