Isinapubliko ng aktres at singer na si Maris Racal ang ilan sa mga daring photos nito para sa pagdiriwang ng kaniyang ika-24 na kaarawan.
Sa Instagram post ni Racal ay makikita ang mga wet at wild poses nito sa serye ng mga litrato na kinuhanan ng celebrity photographer na si BJ Pascual.
Pabirong sinabi ni Maris na para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

Noong Miyerkules naman ay una nang nakatanggap si Racal ng sweet birthday message mula sa kaniyang kasintahan na si Rico Blanco.
Inihayag ng singer at music label owner, “Happy birthday madam. Love you so much po,”.
Kasabay ng social media greeting ni Blanco ay ang serye ng mga larawan mula sa newest single ni Racal na “Asa Naman” at ang sweet photo nilang dalawa.