Road restriction advisory kaugnay sa ipatutupad na Car free Sunday sa Maynila, inilabas ng Manila Traffic and Parking Bureau

Alinsunod sa ipinatutupad na Car Free Sunday sa Maynila, naglabas ng road restriction advisory ang Manila Traffic and Parking Bureau.

Maaring gamitin ng mga motorista ang mga alternatibong ruta na inilatag ng MTPB kung saan pinapayuhan ang mga manggagaling sa NB lane ng Roxas Boulevard na kumanan sa Quirino Ave. patungo sa kanilang destinasyon.

Maari namang kumaliwa sa P. Burgos Ave. ang mga sasakyan na patungo sa SB ng Roxas Blvd. para makarating sa kanilang destinasyon.

Pinapayuhan naman ang mga motorsitang manggagaling sa Jones, Mc Arthur, at Quezon bridge na dumiretso sa Taft Ave.

Sa mga manggagaling naman ng Westbound ng P. Burgos Ave. na daraan ng SB lane ng Roxas Blvrd. ay maaring mag round table patungo sa Maria Orosa St. at kumanan ng Kalaw St.

Pinapayuhan rin ang mga manggagaling ng WB lane ng Kalaw Ave. na daraan ng SB lane ng Roxas Blvrd. na kumaliwa sa M H Del Pilar St.

Sa mga manggagaling naman sa WB ng UN Ave. at daraan din ng SB Lane ng Roxas Blvd. ay maari ring kumaliwa sa M H Del Pilar.

Maari namang umikot ng Anda Circle patungong NB Lane ng Mel Lopez Blvd. hanggang sa C3 ang mga trailer Trucks na mula sa Delpan Bridge.

Para naman sa lahat ng sasakyan na magmumula sa Finance Road hanggang P. Burgos Ave. ay pinapayuhan na kumanan sa Bonifacio drive.

Pinapayuhan naman na kumaliwa sa Roxas Blvd. SB ang mga motorista na magmumula sa WB. ng Quirino Ave.

Sa inilabas na abiso ng MTPB, sarado sa mga motorista ang kahabaan ng Roxas Boulevard mula Burgos Ave. hanggang Quirino Ave. sa May 5, 12, 19, 26 at June 2,9,16,23, at 30 simula alas singko ng umaga hanggang alas nuebe ng umaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *