Mahigit 400 pulis sa Metro Manila, natanggal sa serbisyo

Umabot na sa 480 pulis sa National Capital Region ang sinibak sa pwesto dahil sa patuloy na paglilinis ng National Capital Region Police Office.

Ayon kay NCRPO Director, PMGEN Jose Melencio Nartatez Jr., kabilang sa mga tinanggal sa serbisyo ang 12 pulis dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa ilegal na droga.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Marami rin umano ang pulis na may kasong Absence without Leave o AWOL.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Nasa mahigit 700 naman ng mga pulis ang nasuspinde sa serbisyo.

Nagbabala naman si Nartatez na hindi nila kukunsintihin ang kalokohan ng mga pulis lalo pa’t tuloy tulou ang kanilang internal cleansing.