Tubig sa Naga at karatig bayan, patuloy na binabalanse-MNWD

NAGA CITY –Umabot na sa isang buwan ang ginagawang rehabilitation sa mga transmission and distribution lines ng Metropolitan Naga Water District na sinimulan noon pang Abril 12  na nagresulta na sa pagkakaayos sa anim na pumping stations na may kanya-kanyang problema-teknikal dahilan para magka problema ng supply ng tubig sa nasasakupan nito.

Binanggit ni Choppy de la Cruz, Public Information Officer ng MNWD ang ilang dahilan sa pagkakaroon ng aberya tulad na lamang ng pagkakasunog ng tatlong submersible motors na napalitan na rin,pag-rehab ng Canaman Pumping Station at Grand View Pumping Station, na pareho ng nag o-operate.

Sa kanyang pakikipag-usap sa Brigada News FM Naga sinabi ni De la Cruz na sa ganitong sistema ay maba-balanse ang water distribution sa kabila ng may mga barangay pa rin ang nananatiling kulang sa tubig subalit may mga bago pa silang water lines na nailagay na magbi-benipisyo sa ilang mga barangay at mga paaralan sa lungsod.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *