Road rage bill, isinusulong sa Quezon City

Isinusulong sa Quezon City ang panukalang magpaparusa sa mga motoristang sangkot sa road rage incident sa lungsod.

Inakda ni QC District 2 Councilor Ranny Ludovica ang road rage bill upang maiwasan ang away trapiko at magkaron ng disiplina ang mga motorista sa pagmamaneho ng sasakyan sa mga lansangan.

Oras na maaprubahan ang panukala, may multa itong P5K at isang taong pagkakakulong.

Sa huli, nananawagan si Ludovica sa mga motorista na huwag agad iinit ang ulo sa kalsada upang maiwasan ang problema tulad ng road rage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *