Grupo ng mga manggagawa sa Central Luzon, humihirit ng P150 nationwide wage hike

Matapos aprubahan ng National Wages and Productivity Commission ang dagdag ₱40 na sahod ng Central Luzon noong September 19, isang grupo ng mga manggagawa ang nanawagan na gawing P150 ang taas sahod sa buong bansa.

Ayon kay Trade Federation for Garments and Textiles of the Federation of Free Workers Chairperson Melanie de Dios, bagama’t malugod naman nilang tinanggap ang taas sahod sa mga non-agriculture, agriculture at retail/service establishments sa Central Luzon, mayroon din dapat na disenteng pamumuhay sa buong bansa ang lahat ng manggagawa.

Hirit pa ni de Dios, upang matugunan ang disenteng pamumuhay, dapat nang ituloy ang pangmalawakang P150 legislative wage hike.

Binigyang diin din ng FFW na kahit nakapagbibigay ng kaunting kaluwagan ang dagdag na P40, hindi pa rin ito sasapat sa mga nagsisitaasang halaga ng mga bilihin o mga pangunahing pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *