Ret. PNP personnel, patay sa pamamaril sa Polomolok

KORONADAL CITY – DEAD on the spot ang isang retiradong pulis matapos pinagbabaril kahapon ng hapon sa loob ng kanyang tindahan sa Tuazon Subdivision, Barangay Poblacion, Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ng Polomolok PNP ang biktima na si Donald Cabigas, 56 anyos, may asawa, retired PNP personel at residente ng San Gabriel Homes, Barangay Poblacion, Polomolok.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Ayon sa Polomolok PNP, nasa loob ng kanyang tindahan ng mga LPG si Cabigas nang pinasok ito ng mga suspek at pinagbabaril dahilan upang bawian ito ng buhay.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Agad namang tumakas ang mga armado matapos nagawa ang krimen.

Napag-alaman na dating hepe ng Civil Security Unit o CSU ng Polomolok ang nasabing biktima.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.