Binabantayan ng Amerika ang resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, ginawa ng US ang monitoring nito sa pamamagitan ng satellite.
Tiniyak naman ng US government na may koordinasyon sa pamahalaan ng Pilipinas ang anumang military activities ng Amerika.
Una nang kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na matagumpay ang naging resupply mission ng tropa ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
