China at Pilipinas, nagpalitan ng radio challenge

Nagpalitan ng radio challenge ang Pilipinas at China sa resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon sa kampo ng Chinese Coast Guard (CCG), mula sinaunang panahon mayroong soberanya ang China sa isla ng Nanshan kasama na rito ang Ren’ai Reef o Ayungin Shoal.

Sinagot naman ito ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsasagawa sila ng pagpapatrolya sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ), at itutuloy nila ang planong ruta alinsunod sa batas ng Pilipinas.

Giit ng China, pinapayagan lamang nila ang mga PCG na magdala ng pagkain at pangunahing pangangailangan; hindi na kasama rito ang pagdala ng construction materials para magkumpuni sa ‘ilegal’ na barkong nakasadsad sa dagat.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Nanindigan ang Pilipinas at sinabi sa CCG na ang kanilang mga gawi ay makakaapekto sa Philippine-China relations at isusumbong sila sa mga kinauukulan.