Resbakuna sa Botika, inilunsad sa region 12

KORONADAL CITY- INILUNSAD sa isang pharmacy sa SM General Santos City ang pinakaunang Resbakuna sa Botika sa Soccaskargen region sa pangunguna ni Department of Health o DOH 12 Regional Director Aristides Concepcion Tan.

Ang pharmacy-based vaccination roll out ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya laban sa COVID 19 at asahan umano ang pagbubukas ng mas maraming pang vaccination sites sa rehiyon na mas accessible sa publiko.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Inihayag ni Tan na ito ay malaking tulong upang mapalawak pa ang vaccination coverage lalo na sa mga unvaccinated at mga eligible na ng booster dose.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ang Resbakuna sa Botika ay bukas sa mga may edad 18 hanggang 59 anyos, ngunit hindi sa mga senior citizens, persons with disabilities, at mga may co-morbidities.

Ang vaccination hours ay magsisimula alas 3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.