KORONADAL CITY- UMABOT sa P 10,281,600 ang nai-release na pay-out ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 12 sa mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvanatged/Displaced Workers o TUPAD program kamakailan lamang.
Nakinabang dito ang 3,160 na mga benepisyaryo sa lalawigan ng Sultan Kudarat at Cotabato.
Ang bawat TUPAD beneficiary ay nakatanggap ng tig P 3,360 na sweldo sa 10-araw na social community works lalo na sa clean and green projects sa kanilang lugar.
Ang TUPAD ay isang community-based package ng assistance na nagbibigay ng emergency employment sa mga displaced workers, underemployed at seasonal workers kung saan maaari ang mga itong magtrabaho sa loob ng 10 hanggang 30 araw.
