Naging emosyonal si ACT Teachers party-list Rep. France Castro sa isang panayam kaugnay sa hatol na apat hanggang anim na taong pagkakakulong sa kaniya at kay dating Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo.
Ito’y may kinalaman sa issue ng ‘di umano’y paglalagay sa panganib ng ilang menor de edad noong 2018.
Sa isang pahayag, sinabi ni Castro na emosyonal siya dahil bilang guro, tungkulin niyang pangalagaan ang kapakanan ng mga estudyante.
Ito aniya ang dahilan kung bakit masama ang loob niya sa naturang desisyon.
Gayunpaman, tiniyak ni Castro na haharapin nila ang kaso at hindi sila magtatago.
Maghahain umano sila ng apela para rito.
Binigyang-diin din ng mambabatas na wala silang ginawang pang-aabuso sa mga bata, lalo pa’t adbokasiya nila ang maayos na edukasyon para sa mga ito.