P40K na halaga ng umano’y shabu, nasabat sa naarestong tatlong indibidwal

Nasabat sa tatlong indibidwal ang P40, 000 na halaga ng umano’y iligal na droga matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng RDEU 2 at Santiago City Police Office.

Ayon sa Police Regional Office 2, kinilala ang mga naaresto na sina alyas Jay-ar, 45-anyos, alyas Savel, 51-anyos at alyas Pauleen, 36- anyos na pawang residente ng lungsod.

Read More:  PCG investigates source of oil spill in Mariveles, Bataan

Aktwal na nagbenta ng umano’y shabu ang naturang mga indibidwal sa isang operatiba na nagpanggap bilang poseur-buyer.

Read More:  P398M Himamaylan loan-funded projects delayed by up to 1,286 days – COA

Kabuoang 5.9 grams ang timbang ng nakumpiskang shabu sa tatlo na nagresulta ng kanilang pagkaaresto.

Kasong paglabang sa Republic 9165 ang kakaharapin ng mga naaresto na ngayo’y nasa kustodiya na ng Santiago City Police Station 1.