Nagsagawa ng distribusyon ng mga bookshelves at lamesa ang Local na Pamahalaan ng Cabagan sa 26 na barangay sa kanilang bayan.
Ito ay bahagi ng inisyatiba ng lokal na pamahalaan upang magamit ng mga barangay sa kanilang Early Childhood Care and Development Centers.
Pinondohan ito ng P1, 800,000 sa ilalim ng FY 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund. Bahagi rin ang nasabing inisyatiba sa Project TOPI o Teaching Opportunities Prioritizing Illiteracy. Binigyang-diin naman ni Municipal Mayor Atty.
Christopher Mamauag ang importansya ng mga ipinamahaging bookshelves, lamesa at upuan na ilulunsad sa bawat barangay Public Library.