Rep. Alvarez, tanggap umano ang hatol ng Kamara laban sa kanya

Tanggap umano ni dating Speaker at incumbent Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang ethics case na isinampa kanya ng Kamara.

Sa botong 186 pabor, limang tutol at pito ang abstention vote, pinagtibay ng Kamara ang rekomendasyon na i-censure si Alvarez kaugnay ng kaniyang mga sinabi na humihimok sa AFP na talikuran ang administrasyong Marcos.

Ayon kay House Committee on Ethics and Privileges chairperson at COOP NATCCO Rep. Filemon Espares, inirekomenda ng komite na suspendihin ng 60 araw si Alvarez.

Pero tinutulan ito ni Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo dahil masyado umanong mabigat ang parusang ito.

Inirekomenda ni Romualdo na gawing censure ang parusa kay Alvarez sa halip na suspendihin ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *