9, patay matapos gumuho ang isang stage sa isang campaign rally sa Mexico

Patay ang siyam na indibidwal, kabilang ang isang bata, sa Mexico matapos mag-collapse ang isang stage habang isinasagawa ang election campaign rally ng Citizens’ Movement party.

Ayon sa gobernador ng Nuevo Leon na si Samuel Garcia, hiindi bababa sa 63 katao ang nasugatan sa rally.

Bugso ng hangin ang naging sanhi ng pagbagsak ng entablado sa kaganapan sa lungsod ng San Pedro Garza Garcia.

Napagdesisyunan naman ng presidential candidate ng partido na si Jorge Alvarez Maynez na suspendihin muna ang iba pa niyang campaign activities pansamantala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *