Renta sa pwesto ng mga nagtitinda sa Virac Public Market sa Catanduanes, isinuhestiyon na babaan matapos umaray ang mga vendors

BNFM BICOL— Dahil sa pag-aray ng mga market vendor sa mahal na renta ng kanilang pwesto sa Virac Public Market isinuhestiyon ni Virac, Catanduanes Mayor Sinforoso Sarmiento sa Sangguniang Bayan na babaan ang upa ng mga pwesto sa nasabing pamilihang bayan.

Ayon sa alkalde, kailangang baguhin at bawasan ang singil sa pwesto ng mga vendors dahil masyado aniya itong mataas kaya’t nahihirapan ang mga maninindang makapagbayad.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Kapag nangyari ito, mayroon ding karagdagang multa na sinisingil ang pamunuan ng merkado na umaabot sa 25% na lalong mas nakakapag pabigat sa mga maliliit na negosyante.

Dahil dito, isinuhestiyon ng alkalde na bawasan ng 60% ang kabuuang renta na ibinabayad ng mga nagtitinda habang bawasan rin ng 20% ang sinisingil na multa.

Dagdag pa ni Sarmiento, nagkaroon na sila ng pagpupulong ng Market Committee hinggil dito kung saan miyembro ang bise-alkalde ng bayan at ang ilang municipal councilors.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa ngayon ay may sapat pa namang pondo ang LGU para bayaran ang inutang na gastos sa pag renovate ng pamilihan matapos na masira sa pananalasa ng bagyong Rolly nitong nagdaang taon.

Mahalaga aniyang mabalanse ang interes ng munisipyo kung saan hindi ito madedehado habang hindi malulugi at magsasara ang mga vendors na naghahanapbuhay sa naturang pamilihan.###