Dagdag allowance para sa mga atletang Pinoy na lumalaban sa Tokyo Olympics isinulong ni Senador Bong Go

Makakatanggap karagdagang allowance ang mga Filipino athletes na kasalukuyang lumalaban ngayon sa Tokyo Summer Olympics.

Ito ang kinumpirma ni Senate Committee on Sports chairman Sen. Christopher “Bong” Go matapos aprubahan ng Office of the President ang kahilingan ng Philippine Sports Commission na idinaan sa senador.

Ayon kay Go nagpapasalamat siya kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil agad itong inaprubahan ang kanyang apela na isa umanong  patunay ng matibay na suporta nila nang Pangulo para sa mga atletang pinoy.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aabot P100,000 bilang token ang karagdagang matatanggap ng mga atletang lumahok sa Tokyo Olympics at Paralympics.

Kumpiyansa naman si Go makakakuha ng gintong medalya sa Olympics ang bansa ngayong taon.

Nabatid na batay sa Republic Act No. 10699, ang sinumang atleta na makasungkit ng gintong medalya sa Olympics ay makakatanggap ng PhP10 million mula sa gobyerno, P5-million para sa silver, at P2-million para sa bronze medal.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sinabi ni Go na handa din si Pangulong Duterte na magbigay ng karagdagang cash incentives sa lahat ng Pinoy Olympic medalists. Nabatid na mayroong 19 Pinoy athletes ang nasa Japan ngayon para irepresenta ang Pilipinas sa iba’t-ibang sporting events at subukang mai-uwi ang mailap na Olympic Gold Medal.