Remulla: Miranda, ‘direktor’ sa pag-recant ng mga suspek sa Degamo slay case

Inakusahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla si Marvin Miranda, isa sa mga umano’y utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, na ‘direktor’ sa pag kambyo ng testimonya o pahayag ng mga suspek.

Mayroon na ngayong kabuuang 1 suspek sa kaso na nag-recant at ngayon ay nagsasabi na wala silang anumang kinalaman tungkol sa pagpatay sa gobernador.

Read More:  Yellow and red alert status in Luzon grid further Extended

Kabilang sa mga ito sina Joric Labrador at Benjie Rodriguez, na pinangalanan ang isang “Cong Teves” na nasa likod umano ng pagpatay.

Ayon kay Remulla, nagsimulang magulo ang mga bagay-bagay matapos mahuli ngNational Bureau of Investigation si Miranda noong Marso. Ito ay matapos maaresto ang unang tatlong suspek sa hot pursuit operation at matapos sumuko ang pitong iba pa.

Read More:  Cayetano warns of ‘sabotage’ in impeachment process ahead of 2028 elections

Samantala, mariing itinanggi ng abogado ni Miranda na si Atty. Reynante Orceo na sangkot ang kanyang kliyente sa recantation ng iba pang akusado.//CA