Kamara, muling pinatawan ng 60 araw na suspensyon si Teves

Sa botong 285 na pabor at walang tumutol at isa lang ang nag abstain, pinagtibay ng Kamara ang rekumendasyon ng House Committee on Ethics and Priviledges na muling patawan ng 60 araw na suspensyon si Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves Jr.

Ito ay kaugnay pa rin sa patuloy na pagliban ni Teves sa trabaho sa Kamara at pananatili sa ibang bansa na walang travel authority.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Ayon kay House Ethics panel chairman Felimon Espares, ang hindi otorisadong absences ni Teves ay pinalala ng paghirit niya ng political asylum sa Timor-Leste.

Dahil dito, ang lahat ng kanyang karapatan at prebilehiyo bilang Hosue member ay suspendido.

Ang nadagdag na parusa laban kay Teves ay ang  pagbawi sa lahat ng kanyang committee membership.

Ngayong 19th Congress, si Teves ay vice chairman ng committee on Games and Amusement habang miyembro ng committee on Nuclear Energy at Legislative Franchises.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Nauna nang pinatawan ng 60 araw na suspensyon si Teves noong Marso pero nanindigan itong hindi uuwe ng bansa dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay kasunod ng pagkakasangkot sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Samantala, si House Speaker Martin Romualdez ang magsisilbing caretaker ng distrito ni Teves  sa panahon ng kanyang suspensyon.//CA