Religious group na Kingdom of Jesus Christ pinaiimbestigahan sa senado

Pinaiimbestigahan sa senado ang religious group na Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo Quiboloy dahil sa umanoy pang-aabuso sa mga menor-de-edad na babae.

Kabilang dito ang large scale human trafficking, rape, sexual abuse, at child abuse.

Sa impormasyong nakarating kay Sen. Risa Hontiveros, mayroon umanong grupo ng mga babae si Quiboloy na tinatawag na pastoral, ang ilan sa mga babae ay nagbibigay umano ng serbisyong sexual kay Quiboloy.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Habang ang iba naman dito ay para sa personal na mga gawain gaya ng paglalaba, pagpapaligo, paglilinis ng kwarto, at pagmamasahe sa lider nila.

Ayon kay Sen. Hontiveros menor-de-edad pa umano ang ilang mga babae ng ma-recruit.

Bukod pa rito sapilitan pang namamalimos at nagsusulisit ng pera ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

At kung hindi naman maabot ang kanilang quota ay pinarurusahan sila.

Sinabi ni Hontiveros gusto niyang patingnan sa senado kung sapat ba ang mga batas laban sa Human Trafficking para mapigilan ang large scale trafficking sa likod ng mga religious group.

Nasa most wanted list ng Federal Bureau of Investigation si Quiboloy at iba pang opisyal ng kingdom of Jesus Christ dahil sa mga alegasyon ng sex trafficking, sex trafficking of children, conspiracy, at bulk cash smuggling.