Camarines Norte nakapagtala na naman ng apat na bagong kaso ng COVID-19

CAMARINES NORTE – Nakapagtala naman ng apat na bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa datos ng Provincial Health Office, ang apat na aktibong kaso ay nagmula sa Labo at Sta Elena na may tig- dalawa.

Dahil dito sumampa na sa kabuuang 4, 953 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan simula noong 2020.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Umaabot naman sa kabuuang 297 ang bilang ng mga nasawi kung saan ang 21 dito ay ngayong taon lang.

Habang nasa 4, 652 0 93. 29 % ang mga gumaling sa sakit.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco, hindi pa rain nawawala ang COVID-19.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa katunayan aniya ay mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay tinamaan ng sakit at kakatapos lang ng 7- day isolation period.

Kaugnay nito ay hinimok ni Francisco ang publiko na magsuot ng face mask kahit hindi na ito mandatory at magpabakuna para na rin sa proteksyon ng bawat isa.