NAGA CITY—Hindi inaprubahan ng Local-IATF/IMT ang rekomendasyon ng Municipal Health Office na No Vaccination Card, No Entry Policy sa mga sementeryo ngayong paparating na undas.
Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni Dr. Rafael Salles, MHO-Officer ng Pili LGU.
Ayon kay Salles, hindi sinangayunan ng Local Inter-Agency Task force for COVID-19 ang kanilang mungkahi hinggi sa naturang polisiya sa pagbisita ng mga residentes sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bilang pag-iingat sana laban sa banta ng COVID-19.
Iginiit kasi ng Local-IATF/IMT na hindi naman lahat ng tao sa Pili ay nabakunahan ito ay dahil sa kakulangan ng supply ng bakuna noong mga nakaraang buwan.
Magdudulot din aniya ito ng diskriminasyon sa mga taong mas piniling huwag magpabakuna lalo pat hindi naman sapilitan ang vaccination.
Sa kabila nito, ipinaalala na lamang ni Salles sa publiko na sundin ang mga umiiral na patakarang pangkalusugan para maiwasan ang hawaan ng nakamamatay na sakit.