Couple sa Legazpi City nagpakasal muna bago nagpa-ospital matapos maaksidente

LEGAZPI-Ika nga, walang bagyo o mabigat na pagsubok ang makakahadlang para sa taong tunay na nagmamahalan! Kahit nagkabali-bali ang buto at katawan dahil sa trahedya bago ang kasal.

Ito ang pinatunayan ng Couple mula sa Legazpi City na kahit na-aksidente na, tuloy pa rin ang sinagawang pag-iisang dibdib.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kahapon ng umaga ng ikasal sa Gregorian Mall si Mr. and Mrs. Corea.

Ayon sa kwento, ni Reden Corea ng barangay Pawa, Legazpi City bago maganap ang kasalan, di inaasahan na maaaksidente ito gabi bago ang nakatalaang kasal.

Sakay ng kanyang motorsiklo ng maaksidente ito sa dike ng Barangay Bonga malapit sa lugar ng kanyang napangasawang si Fe Pulong.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Kahit tadtad ng sugat sa katawan na tinamo sa insidente, tinuloy parin kahapon sa nasabing mall sa pangunguna rin ni Legazpi City Mayor Noel Rosal ang Mass Civil Wedding.

Samantalang pagkatapos ng kasal saka lamang ito nagpa-ospital para magpa-CT scan at mag pagamot ng tinamong sugat.