Rekomendasyong Alert Level 1 sa NCR, walang kinalaman sa eleksyon

Nanindigan ang Metropolitan Manila Development Authority na walang kinalaman sa eleksyon o pangangampanya ang rekomendasyon ng mga alkalde ng Metro Manila na ibaba sa COVID-19 Alert Level 1 ang National Capital Region.

Sinabi ni MMDA officer-in-charge at general manager Romando Artes na ibinase ng mga alkalde ang kanilang rekomendasyon sa datos ng Rehiyon sa COVID-19.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Iginiit ni Artes na base sa datos ay bumaba ang mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Matatandaan na pumayag ang mga alkalde ng NCR na irekomenda ang de-escalation ng status ng rehiyon sa Alert Level 1 mula Alert Level 2 simula March 1, 2022.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Matatandaan na nanawagan ang mga kampo ng mga kandidato sa Commission on Elections na i-adjust ang mga restriksyon sa in-person campaigning.