Rehabilitasyon sa mga daan na nasira ng massive landslides sa Cagayan, sinimulan na

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Cagayan Second District Engineering Office ang pagsasaayos sa nasirang six sections ng kalsada sa San Juan, Sta. Praxedes upang maiwasan ang maaaring mudslide.

Magugunita na maraming nasirang imprastraktura sa Cagayan dahil sa naranasang massive landslides at mudslides, pananalasa ng bagyo at dulot ng Habagat season sa last quarter ng 2020.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Batay sa ulat ni Oscar Gumiran, mayroon nang natapos na 40% sa nasabing proyekto kung saan pinondohan ito ng 100 milyon pesos.

Target na maayos dito ang mahigit 250-meters ng naturang parte ng kalsada sa Brgy. San Juan.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Sa kanilang rehabilitasyon ay gumagamit ang mga ito ng rockfall-netting bilang active slope protection system.

Sinimulan ang proyekto noong May, 2021 at inaasahang matatapos sa second quarter ng 2022.

Image: DPWH Region 2