LEGAZPI CITY – Tinatayang mahigit sa 3.9M katao ang estimated na register voters as of Oct 23 2021 sa Bicol Region. Ito ang nakuhang imprmasyon ng Brigada News Fm Legazpi mula sa Commission on Election (COMELEC) Bicol.
Base sa tala ng tanggapan, nasa 3.6M katao ang naitatalang nakarehistro na apropado ng ERB hearing as of July 19 2021. Sa Albay ay mayroon ng 895, 353 ang total voters registered as of Oct 23 ng kasalukuyang taon, Camarines Norte, 387, 183 ang kabuuhang nakarehistro, Camarines Sur 1, 321, 196, Catanduanes 203, 073, Masbate, 596, 679 at Sorsogon 542 425.
Maliban pa rito, nasa 28, 565 ang nakarehistro na Persons with Disability (PWD) sa Bicol Region habang aabot rin sa 496, 692 ang kabuuhang bilang ng mga nakapagrehistro na senior citizen sa nasabing rehiyon. Sa ngayon ay inaasahan din sa huling araw ng pagpaparehistro ay dudumugin ito ng mga katao ang bawat comelec offices para makapaghabol sa kanilang voters registration.
Samantala, dinagsa rin kahapon ang comelec legazpi ng mga kabataan at may mga asawa upang makapag rehistro para sa nalalapit na National en Local 2022 elections.