LEGAZPI CITY – Magsasagawa mamayang hapon ang SM Mall Legazpi ng Christmas launching “Let do this Christmas Crackin” bilang pasasalamat sa mga shoppers.
Ayon kay Melanie Cabrera, ang Group Marketing Manager ng nasabing mall sa lungsod, matutunghayan ng mga shoppers ang ibat ibang inihandang showcase o supresa .
Aniya, taon taon na ito ginagawa ng SM Mall sa buong bansa para mayroong mapuntahan ang bawat pamilya at magkakaibigan upang may makita na kakaiba sa loob ng Mall. Dagdag pa nito, ngayon nalalapit ng kapaskuhan at may nararanasang pandemya ang bansa ay namigay ito ng gift packs sa mga orphanage na benipesyaryo sa lalawigan ng Albay.
Sinabi pa nito, magkakaroon rin ng Christmas lighting ceremony na inaabangan taon taon para sa mga Albayano’s.