Eco-Tour Guide training inilunsad ng LGU- Matnog at DOT-Bicol

SORSOGON CITY – Inanyayahan ng Matnog Tourism Culture and Arts Office ang lahat ng mga nais maging tour guide na lumahok sa inilunsad nilang programa katuwanga ang Department of Tourism (DOT) Bicol.

Kabilang sa mga kwalipikasyon na inilatag ng LGU ay dapat na residente ng bayan ang dapat na kalahok, physically fit, 18-anyos pataas, matatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng tagalog at ingles at kayang sumailalim sa mga mahahabang training at seminar.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Naniniwala si Provincial Tourism Culture Arts Office (PTCAO) Head Bobby Gigantone na malaking tulong ito hindi lamang sa pagbibigay ng karagdagang trabaho ngayong panahon ng padmeya kundi pati narin sa pagpapalakas ng turismo sa lalawigan, kung saan malaking porsyentong nakakaapekto rito ang pagkakaroon ng masuhay na tour guide sa bawat tourist destinations.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Magsisimula ang screening para sa naturang programa sa susunod na linggo, Nobyembre 5 ng kasalukuyang taon.